Nakikiisa ang Philippine Competition Commission (PCC) sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong 1-31 Agosto 2021 na may temang ““Filipino at mga Katutubong Wika sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino” sa pangunguna ng Komisyon ng Wikang Filipino at kasabay ng makasaysayang paggunita sa ika-500 taon ng pagkakakilanlan ng Pilipinas (2021 Quincentennial Commemorations in the Philippines).
